Kayod kalabaw... yan ang madalas kong marinig kay Aling Mameng. Tatlong taon na din s'ya dito at marami daw s'ya tinutulungan sa Cotobato. Tatlo daw ang kanyang naiwang anak at lahat ay nag-aaral, di naman n'ya nabanggit sa akin ang kanyang asawa at kanyang Ate na may limang anak ang nag-aalaga sa kanyang mga anak. Sabi n'ya malaki-laki na rin daw sana ang kanyang naipon kung hindi lang sunod-sunod ang mga naging problema n'ya. Namamasukan si Aling Mameng bilang taga-paglinis at iba pang gawaing bahay at per oras ang bayad. Pansin ko kanya ang kasipagan, madalas gabi na kung umuuwi sa Aling Mameng at katwiran n'ya minsan lang dumating ang pag kakataon at hindi lahat ng oras ay malakas. Gusto daw n'yang makaipon at makabili ng malaking sakahan sa bayan nila. Mula ng dumating si Aling Mameng dito ay di pa s'ya nakakauwi. Ang sabi niya'y, tinitiis n'ya na di umuwi para sa kinabukasan ng kanyang mga anak, na makatapos sila ng pag-aaral. Pangarap n'ya na isa sa mga anak niya ay maging nurse dahil eto daw ang kanyang gusto nung s'ya ay bata pa pero di siya nabigyan ng pag kakataon dahil mahirap lang kanyang mga magulang. Tulad ng maraming mga magulang ang nais lamang n'ya ay mabigyan ang kanyang mga anak na matiwasay na buhay at magandang kinabukasan.
Hindi inda ni Aling Mameng ang hirap, ni hindi ko nga s'ya narinig na nag-reklamo na siya ay napagod dahil sabi n'ya ang pagod ay nasa isip lamang at ang katawan ay kusang nag sasabi kung kailangan na natin huminto at magpahinga. Kinu-kundisyon daw n'ya ang kanyang isipan sa umaga at sinasabyan n'ya na pasasalamat at gabay sa Panginoon.
Ang kwento ni Aling Mameng ay di na bago ngunit paulit-ulit man itong marinig sa iba't ibang Filipino eto'y sumasariwa.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment