Thursday, 21 June 2007

Kayod Kalabaw

Kayod kalabaw... yan ang madalas kong marinig kay Aling Mameng. Tatlong taon na din s'ya dito at marami daw s'ya tinutulungan sa Cotobato. Tatlo daw ang kanyang naiwang anak at lahat ay nag-aaral, di naman n'ya nabanggit sa akin ang kanyang asawa at kanyang Ate na may limang anak ang nag-aalaga sa kanyang mga anak. Sabi n'ya malaki-laki na rin daw sana ang kanyang naipon kung hindi lang sunod-sunod ang mga naging problema n'ya. Namamasukan si Aling Mameng bilang taga-paglinis at iba pang gawaing bahay at per oras ang bayad. Pansin ko kanya ang kasipagan, madalas gabi na kung umuuwi sa Aling Mameng at katwiran n'ya minsan lang dumating ang pag kakataon at hindi lahat ng oras ay malakas. Gusto daw n'yang makaipon at makabili ng malaking sakahan sa bayan nila. Mula ng dumating si Aling Mameng dito ay di pa s'ya nakakauwi. Ang sabi niya'y, tinitiis n'ya na di umuwi para sa kinabukasan ng kanyang mga anak, na makatapos sila ng pag-aaral. Pangarap n'ya na isa sa mga anak niya ay maging nurse dahil eto daw ang kanyang gusto nung s'ya ay bata pa pero di siya nabigyan ng pag kakataon dahil mahirap lang kanyang mga magulang. Tulad ng maraming mga magulang ang nais lamang n'ya ay mabigyan ang kanyang mga anak na matiwasay na buhay at magandang kinabukasan.




Hindi inda ni Aling Mameng ang hirap, ni hindi ko nga s'ya narinig na nag-reklamo na siya ay napagod dahil sabi n'ya ang pagod ay nasa isip lamang at ang katawan ay kusang nag sasabi kung kailangan na natin huminto at magpahinga. Kinu-kundisyon daw n'ya ang kanyang isipan sa umaga at sinasabyan n'ya na pasasalamat at gabay sa Panginoon.


Ang kwento ni Aling Mameng ay di na bago ngunit paulit-ulit man itong marinig sa iba't ibang Filipino eto'y sumasariwa.

Wednesday, 20 June 2007

'Inspirasyon'

Hindi ko talagang kinahiligang ang pagsusulat mulat-sapul at ito ang isa sa aking mga kahinaan. Hindi ko kayang i-express ang gusto ko kapag ako ay nag-susulat parang laging may kulang. Minsan ako mismo ay hirap initindihin ang aking mga isinulat, dahil minsan ay bitin o di kaya'y kulang sa mga salita upang maipaliwanag ang tunay kong damdamin. Parang ang bawat salita na aking isinulat ay kailangan ko pang i-gesture ng aking kamay at katawan at ipakita ang expression ng aking mukha upang ako ay mainitidihan. Ito ang mga bagay na pumipigil sa akin upang mag-sulat.
Ngunit isang kababata at kumpare ang unang nag-bangit sa akin tungkol sa 'blog'. Nag-suggest s'ya sa akin na simulan ko daw mag-sulat ng blog. Mag sulat daw ako ng gustong kong topic at gawin ko ito parang journal. Ipinaalala n'ya sa akin ang kapangyarihan at lakas ng pagsusulat at kalayaang na maipahiwatig ang ating sa loobin. Hindi daw kailangan na ito'y maging mabulaklak sa mga salita o maayos na grammar ngunit ito'y 'ako' (pagpapakatoo sa aking sarili) at aking pagiging malaya upang magipahayag ang iyong personal na damdamin sa pamamagitan ng tipa ng iyong computer. Naging inspirasyong ko ang blog ni Momong (http://mongpalatino.motime.com/) dahil sa husay nya sa pag susulat at pag lapat ng bawat salita. Sa kanyang blog pinapaliwanag at ipanakita n'ya ang pagiging makabayan sa makabagong panahon, pag bibigay makabuluhan opinyon at matapang na pagpapahayag tungkol sa mga napapanahong isyu sa ating lipunan. Dagdag pa, ang aking pag hanga sa kanyang adbokasiya para sa mga kabataan, pagpapahalaga sa pamilya at iba pa. Inspirasyon na tumulak sa akin na sumulat at magkaroon ng sarili kong blog na naaayon sa sariling kong pananaw at damdamin.

At eto na nga... tinitipa ang tiklado ng aking computer...pero ano nga bang topic ang aking pagbibiyang tuon, kaya ako'y nagmuni-muni nitong mga nakaraang ilang araw kung ano ang adhikain ng aking blog (pero merong nga ba??) at madaming bagay ang pumasok sa aking isipan na pwedeng pag kwentuhan at aking maibahagi, tulad ng pangaraw-araw kong gawain, trabaho, tsismis na nasasagap, at kung anu-ano pang bagay na pwedeng pagusapan. Ngunit ang nagbigay sa akin na maigting na mungkahi ay ang aking pagiging OFW at maging ka-isa sa mga milyon-milyong OFW na tinaguriang 'bagong bayani', na nakipag sapalaran at humiwalay sa kanilang pamilya. Hayaan n'yong aking ibahagi sa inyo ang buhay OFW sa UK at payagan at tulungan n'yo ako na unti-unti kong bubuhayin ang blog na ito at maipahayag ang BUHAYOFWUK.